Salamat, Mabuhay

Kinilala ng Lokal na Pamahalaan ng Talavera ang pitong (7) empleyado ng pamahalaan sa ginanap na Salamat, Mabuhay Program na pinangunahan ng Human Resource Management Office (HRMO). Ang nasabing programa ay isang pagkilala at pasasalamat sa mga retiradong kawani ng Pamahalaang Bayan ng Talavera.Sa kauna-unahang pagkakataon, ito ay ginanap sa Walter Mart, Talavera, Nueva Ecija nitong ika-20 ng Setyembre, 2017.

Ang mga retiradong kawani ay kinilala sa kanilang mahalagang kontribusyon na naging dahilan ng mabilis na pag-unlad ng Bayan ng Talavera. Ang kanilang pagsisikap at paglilingkod sa pamahalaan ay indikasyon ng tunay na malasakit ng isang lingkod bayani. Ginawaran ng pagkilala at pasasalamat sina Gng. Editha L. Sarmiento, Gng. Emerenciana A. Grospe, Gng. Jennifer R. Bagtas. Bb. Ma. Corazon SP. Manuel, Gng. Eullalia V. Quiroz, G. Eligio S. DImaya at G. Edgardo B. Naco na naglaan ng dedikasyon at tapat na serbisyo sa Pamahalaang Bayan ng Talavera sa mahabang panahon.

Para kay Mayor Nerivi Santos Martinez, bagamat magreretiro na ang mga kawani, ang kanilang paglilingkod ay patuloy na tatatak sa Talavera. Sampu ng bawat kawani ng Lokal na Pamahalaan ng Talavera, nagpasalamat si Mayor Nerivi sa kanilang serbisyo, huwarang paglilingkod, dedikasyon at sa oras na kanilang inilaan para sa bayan. Aniya, ehemplo ang mga kinilalang empleyado dahil sila ay larawan ng isang tunay na lingkod bayani. Kasamang nagbigay pugay sina Municipal Administrator Nerito L. Santos, Vice Mayor Anselmo B. Rodiel III, mga miyembro ng Sangguniang Bayan, kasama sa opisina ng mga kawaning magreretiro at kanilang mga pamilya.

Tunay ngang ang pagpasok sa serbisyo publiko ay may kaakibat na responsibilidad sa taong bayan. Maging ang sakripisyo upang magampanan ng maayos ang tungkulin ay kinakailangan. Sa lahat ng retiradong kawani, ipinagmamalaki kayo ng Bayan ng Talavera. Maraming salamat sa inyong kontribusyon at malasakit sa Lokal na Pamahalaan ng Talavera.
Salamat, Mabuhay!

(MALR)

#Serbisyong
NERIVI

Contact Info

QUEZON STREET, PAG-ASA DISTRICT, TALAVERA, NUEVA ECIJA, 3114
www.talavera.gov.ph
(044) 940 – 8700

Emergency Hotline

Copyright © 2015. Municipality of Talavera, Province of Nueva Ecija. All rights reserved.
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!