Skip to main content

Sangguniang Bayan – 37th Regular Session

Ginanap ngayong araw ang ika- 37th Regular Session ng Sangguniang Bayan na dinaluhan ng lahat ng miyembro at pinangunahan ng ating Kagalang-galang Vice Mayor Nerivi Santos Martinez.
Tinalakay ang ilang mahahalagang proyekto sa kahilingan po ng ating Kagalang-galang Mayor JR Santos, gayundin ang pag apruba sa mga nakasalang na ordinansa.
Patuloy po ang pag sisikap ng ating Sangguniang Bayan upang mapabilis ang lahat ng gawaing makatutulong sa Bayan ng Talavera at sa ating mamamayan.
Lubos po ang pakikiisa ng ating Lokal na Lehislatibo sa ating Lokal na Punong Ehekutibo sa mga layuning pang kaunlaran.
Mabuhay po tayong Talaveraños!
Official Website Talavera Municipality