
Sangguniang Bayan ng Talavera Centenary Award
Centenary Award
Ang DSWD Centenarian Program ay itinatag upang bigyan ng pagkilala ang ating mga mamamayang Filipino na umabot sa edad na isang daang taon (100) at mahigit pa.
Ngayong araw ginawaran ng Centenary Incentive ang isa nating Talaveraño na si Ginang Natalia A. Joson ng isang daang libong piso (100,000) mula sa DSWD sa pangunguna naman ng ating Kagalang-galang Vice Mayor Nerivi-Santos Martinez at ng DSWD Assistant Director for Operation Venus F. Rebuldela at Provincial Team Leader Aurelia C. Senayo.
Ginanap ang Centenary Award sa Barangay Pinagpanaan, sa pakikipag koordinasyon ng ating OSCA President Fiel Acuña, MSWDO officer Ma. Theresa B. Florencodia at ng ating Lokal na Pamahalaang Bayan.
Mabuhay po ang ating mga Senior Citizens!