Skip to main content

Sangguniang Bayan ng Talavera – Kauna- unahang Learning Hub sa Nutrisyon

November 20,2023
KAUNA-UNAHANG LEARNING HUB SA NUTRISYON – Talavera
Naging abala ang ating Pamahalang Bayan at opisina ng Municipal Nutrition Action Office (MNAO)para sa kauna-unahang Preparatory Meeting with Municipal Nutrition Committee for Learning Hub for Enhanced and Revitalized Nutrition (LHEARN) Project.
Ang LHEARN ay isang joint project ng National Nutrition Council – Region III at piling LGU partner.
Patunay lang na sa kapangyarihan ng teamwork at dedikasyon ng Municipal Nutrition Committee ng Talavera, upang matuto sa mga karanasan ng Nutrition Honor Award (NHA).
Ayon kay Ms. Ana Maria B. Rosaldo ng NNC – Region III Nutrition Program Coordinator, at Ms.Angelita M. Pasos ng NNC – Region III Nutrition Officer III ng LHEARN Project, Ang LHEARN ay isang capacity building platform na nagpapadali sa pagbabahagi ng kaalaman upang maimpluwensyahan ang ibang LGUs na mamuhunan at unahin ang nutrisyon sa pamamagitan ng pag-aaral mula sa mga karanasan ng mga award winning LGUs.
Binigyang diin ni Kgg. Mayor Nerito S. Santos Jr., Chairperson on Municipal Nutrition Committee, ang kahalagahan ng pakikipagtulungan at pag uugnay upang itulak ang nutrisyon at pag unlad. Nagbigay din ng makabuluhang mensahe ang ating Kgg. Vice Mayor Nerivi S. Martinez kaugnay sa usaping pangkalusugan.
#”Healthy Diet Gawing Affordable for All”
#JRVI

Official Website Talavera Municipality