Skip to main content

Sangguniang Bayan ng Talavera – PPAN 2023-2028

Pag lulunsad ng Philippine Plan of Action for Nutrition para sa taong 2023-2028
Dinaluhan ng ating Kagalang-galang Vice Mayor Nerivi Santos-Martinez ang paglulunsad ng National Nutrition Council (NNC) sa Luzon ng Philippine Plan of Action for Nutrition 2023-2028 sa The Manila Hotel, One Rizal Park, Manila, ngayong araw September 20,2023.
Pinangunahan ni Governor Hermilando I. Mandanas, Chairman, Batangas Provincial Nutrition Committee and Chairman, RDC CALABARZON ang pagbabalangkas ng plano para sa pag papabuti ng nutrisyon sa bansa.
Inilatag din dito ang mga aksyon upang gabayan ang mga ahensya ng pamahalaan at local government units sa pagtugon sa lahat ng uri ng malnutrisyon.
Kasama ding dumalo ng ating Pangalawang Punong Bayan sa paglulunsad ng PPAN ang ating Municipal Nutrition Officer, Mr. Arjhay Bernardo.

« of 2 »

Official Website Talavera Municipality