
Sangguniang Bayan ng Talavera Region 3 Vice Mayors League of the Philippines Bi-Monthly meeting
March 21
REGION 3 ViCE MAYORS LEAGUE OF THE PHILIPPINES BI-MONTHLY MEETING
Nagkaroon ng unang Region 3 Bi-Monthly Meeting ang Vice Mayors League of the Philippines sa taong ito na ginanap sa Baler Aurora.
Nagtipon ang lahat ng opisyal ng VMLP Region 3 kasama ng lahat ng members sa araw na ito upang magkaroon ng pagpupulong kaugnay ng mga usaping maaring makatulong sa mga layunin ng Liga at iba pang usaping maka tutulong sa pag papa unlad ng kanilang kaalaman at kahusayan.
Naging adhikain din ng pag pupulong na ito na magkaroon ng magandang samahan at pagkaka buklod ng bawat isa.
Nagpa salamat ang ating butihing VICE MAYOR NERIVI S. MARTINEZ, na siyang Pangalawang Pangulo ng VMLP Region 3 sa matagumpay na pag pupulong sa lahat ng dumalo, gayundin ang pasasalamat sa Punong Bayan ng Baler na si MAYOR RHETT RONAN ANGARA, kung saan ang naging host nga ng pagtitipon ay ang Bayan ng Baler, Aurora.