Skip to main content

Sangguniang Bayan ng Talavera – TUPAD Pay – Out

April 27, 2023
TUPAD Payout 2023
Anim na daang (600) benepisyaryo mula sa tatlumpu’t walong (38) Barangay ng ating bayan ang naabutang muli ng tulong sa pamamagitan ng DOLE-TUPAD Program.
Ang TUPAD Program ay isang community-based program para sa ating mga kababayan na naglalayong mabigyan ng cash assistance ang ating mga kababayan na walang trabaho o nawalan ng trabaho.
Pinangunahan ng ating mga kagalang-galang at butihing mga lingkod Mayor JR Santos at Vice Mayor Nerivi Santos Martinez, ang pag aabot ng payout para sa mga TUPAD beneficiaries.
Kasama din ang ating mga Konsehal ng Bayan, Konsi. Rai Villanuena na siyang Chairman Committee on Labor and Employment, Konsi Ape Reyes, Konsi Erwin Chioco. Ang Provincial Director ng DOLE Nueva Ecija madam Maylene Evangelista at ilang representative ng ating PESO office.
Ang Tambalang JRVI ay patuloy na sumusuporta at tumutugon sa pangangailangan ng lahat ng ating mga kababayan. Nag pahayag din ng pasasalamat ang pamunuan ng ating Bayan sa patuloy na pagbibigay ng tulong ng DOLE sa ating mga Talaveraños.
Salamat at mabuhay po kayo!

Official Website Talavera Municipality