Skip to main content

Senior Citizens Local Pension Pay Out Brgy. Bantug Hacienda

86 na Senior Citizens mula sa Barangay, Bantug Hacienda ang masayang tumanggap ng kanilang LGU-funded Social Pension. Ito ay isa lamang sa marami pang programa ng Pamahalaang Bayan ng Talavera sa pangunguna nina Mayor JR Santos at VM Nerivi Santos Martinez para sa ating mga lolo at lola bilang bahagi ng kanilang benepisyo. Ang programang ito ay patunay ng dedikasyon ng pamahalaang bayan sa pagpapalaganap ng kapakanan ng mga senior citizen at pagbibigay sa kanila ng pantay pantay na karapatan at oportunidad. Dumalo sa programa sina Konsehal Rai-Rai Villanueva,Konsehal Erwin Chioco,Ginoong, Atong Palillo OSCA Fiel Acuña at Senior Citizens Pres. Dory Daniel.

Official Website Talavera Municipality