Skip to main content

Senior Citizens Local Pension Pay Out Brgy. San Miguel Na Munti

211 na Senior Citizens mula sa Barangay San Miguel na Munti ang masayang tumanggap ng kanilang LGU-funded Social Pension. Ito ay isa lamang sa marami pang programa ng Pamahalaang Bayan ng Talavera sa pangunguna nina Mayor JR Santos at VM Nerivi Santos Martinez para sa ating mga lolo at lola bilang bahagi ng kanilang benepisyo. Ang programang ito ay patunay ng dedikasyon ng pamahalaang bayan sa pagpapalaganap ng kapakanan ng mga senior citizen at pagbibigay sa kanila ng pantay pantay na karapatan at oportunidad. Dumalo sa programa sina Konsehal Joel Del Rosario, Konsehal Erwin Chioco, OSCA Fiel Acuña at Senior Citizens Pres. Dory Daniel.

Official Website Talavera Municipality