Skip to main content

Senior Citizens Local Pension Pay-Out Brgy. Valle

129 na Senior Citizens mula sa Barangay Valle ang masayang tumanggap ng kanilang LGU-funded Social Pension. Ito ay isa lamang sa marami pang programa ng Pamahalaang Bayan ng Talavera sa pangunguna nina Mayor JR Santos at VM Nerivi Santos Martinez para sa ating mga lolo at lola bilang bahagi ng kanilang benepisyo. Ang programang ito ay patunay ng dedikasyon ng pamahalaang bayan sa pagpapalaganap ng kapakanan ng mga senior citizen at pagbibigay sa kanila ng pantay pantay na karapatan at oportunidad. Kasamang dumalo sa programa sina Konsehal Rafael “Ape” Reyes, Konsehal Erwin Chioco, Mr. Atong Palilio, OSCA Fiel Acuña at Senior Citizens Pres. Dory Daniel.

« of 2 »
Official Website Talavera Municipality