SGLG 2019 Exit Conference
Isang pagpupulong ang ginanap sa Tanggapan ng Punong Bayan kaugnay ng Seal of Good Local Governance. Tinalakay din dito ang paghahanda ng Talavera sa pagsusuri para ngayong taon kasama sina DILG LGOO VII Fortunato Abraham at MLGOO VI Rosie Sabiniano. Pinangunahan ni Mayor Nerivi Santos Martinez ang pulong kasama ang mga pinuno ng bawat departamento, Talavera PNP at DepEd.