Skip to main content

SGLG, Muling Nakamit ng Talavera

Tinanggap ni Mayor Nerivi Santos Martinez sa muling pagkakataon ang 2017 Seal of Good Local Governance (SGLG) para sa Bayan ng Talavera. Ang pagkilala ay mula sa Department of Interior and Local Government (DILG) na ibinigay noong ika-24 ng Nobyembre, 2017 sa Manila Hotel, Tent City. Ito ay taunang parangal na kumikilala sa kahusayan at mabuting pamamahala ng mga lokal na pamahalaan.


Ang mga pamantayan ng parangal ayon sa panuntunan ng DILG ay batay sa apat (4) na core areas: financial housekeeping, social protection, disaster preparedness at peace and order. Kasama rin ang isa sa mga essential areas na businessfriendliness and competitiveness, environmental management o tourism.

Ang SGLG ay simbolo ng pagtutulungan ng bawat isa at ng sama-samang pagbibigay ng serbisyo sa mamamayan. Katulad ng tunay na malasakit at pag-unlad na layunin ng SGLG, ang pagsisikap ng bawat lider at mga kawani ay patuloy ding iniaangat para sa isang maayos na pamamahala sa Bayan ng Talavera. Simbolo ng pagiging bukas sa bayan, ang pagkilala ay nagsisilbing inspirasyon sa lokal na pamahalaan upang ang nararapat na paglilingkod sa bawat mamamayan ay maibigay sa bayan.

Unang nakamit ng Talavera ang SGLG noong 2016 at ang muling pagkamit ng nito ay patunay sa pagkilala ng kakayahan at kahusayan ng pamamahala ni Mayor Nerivi Santos Martinez. Ang SGLG ay humihimok sa Bayan ng Talavera upang ipagpatuloy ang mabuting pamamahala para sa mamamayan at nagsisilbing hamon sa pamahalaan upang panatilihin ang pagbibigay ng serbisyo at malasakit sa bayan. Kasama ni Mayor Nerivi sa pagtanggap ng parangal sina DILG-MLGOO Jovi Marquez, MPDO Head Evina Pablo at BPLO Head Rosemarie Reyes na nagdiwang sa ating tagumpay. Ang SGLG ay isang parangal sa pagsusumikap ng pamunuan para sa bayan ng Talavera.

(MALR)

Official Website Talavera Municipality