Skip to main content

SGLG Regional Validation 2024

June 05, 2024 – Sumailalim sa Regional Validation ang Pamahalaang Bayan ng Talavera para sa Seal of Good Local Governance (SGLG) ng DILG. Ito ay isang progresibong sistema ng pagtatasa sa mga lokal na pamahalaan na nagbibigay pagkilala sa katapatan at kahusayan ng mga lokalidad. Nagsilbing validators sina LGOO VI Edgardo W. Adriano Jr., LGOO VI Jovi N. Marquez, at LGOO III Angelyn B. De Guzman mula sa DILG, at Mr. Juanjoe Gonzales at Ms. Agnes Carlos naman mula sa Outreach Philippines Inc.. Kasama din nakiisa sa ginanap na validation sina Mayor JR Santos, MLGOO VI Rossella Edillor, LGOO III Sharlynn Mae M. Dimaliwat ,Municipal Admin. Nerito L. Santos, at Local Functionaries ng Lokal na Pamahalaan ng Talavera.
Simbolo ng pagiging bukas sa bayan at mabuting pamamahala, ang pagkilala ay ang pinakamahalaga at pinakamataas na award na ibinibigay ng DILG sa lahat ng LGU na nakabatay sa Republic Act No. 11292 o SGLG Act of 2019.
#SGLGRegionalValidation
#SerbisyongDiretsoSaTao
#TatakJRVi
#LingapAtMalasakit

« of 2 »
Official Website Talavera Municipality