Skip to main content

SIM Registration Caravan Brgy. Caaninaplahan at Mabuhay

Ngayon ay ikalawang araw ng SIM REGISTRATION CARAVAN. Ang mga kinatawan ng IT at PIO
ay tumungo sa Brgy. Caaninaplahan at Brgy. Mabuhay upang maghatid tulong sa mga kababayan natin na hindi
pa nakakapagrehistro, na mairehistro na ang kanilang sim card bago sumapit ang
deadline. Ang serbisyo pong ito ay libre.
Amin pong pinapaalalahanan ang bawat isa na magrehistro na bago o hanggang
Abril 26,2023 upang patuloy po ninyong magamit ang inyong simcard. Huwag
din basta-basta magtitiwala sa mga tao na hindi nyo kakilala at mag-aalok
ng serbisyong ito dahil maaari po nilang kunin ang inyong mga personal
na impormasyon at magamit sa masamang gawain.
Upang malaman ang schedule ng pagpunta ng mga kawani sa inyong baranggay ito
ang link:
At kung gusto naman ninyong mag-self registration ito ang link:
Smart:
Globe:
Dito:
Para sa iba pang katanungan, maaari po kayong magmessage sa page ng munisipyo. Salamat po!
Official Website Talavera Municipality