SIM Registration Caravan Sa Brgy. Collado at Bantug Hacienda

Sa kabila ng deklarasyon na ngayong araw ng Biyernes ay walang pasok, patuloy pa rin ang pagpunta ng mga kawani ng IT at PIO upang magbigay serbisyo sa ating mga kababayan. Ngayon ang ika-apat na araw ng SIM REGISTRATION CARAVAN na isinasagawa sa Brgy. Collado at Brgy Bantug Hacienda. Inaanyayahan po ang mga kababayan natin sa mga nasabing baranggay o karatig
baranggay na hindi pa nakakapagparehistro na magtungo sa kanila upang kayo ay matulungang magrehistro. Ang serbisyo pong ito ay libre.
Amin pong pinapaalalahanan ang bawat isa na magrehistro na bago o hanggang Abril 26,2023 upang patuloy po ninyong magamit ang inyong simcard. Huwag din basta-basta magtitiwala sa mga tao na hindi nyo kakilala at mag-aalok ng serbisyong ito dahil maaari po nilang kunin ang inyong mga personal na impormasyon at magamit sa masamang gawain.
Upang malaman ang schedule ng pagpunta ng mga kawani sa inyong baranggay ito ang link:
At kung gusto naman ninyong mag-self registration ito ang link:
Smart:
Globe:
Dito:
Para sa iba pang katanungan, maaari po kayong magmessage sa page ng munisipyo. Salamat po!

#Serbisyong
DiretsoSaTao

Contact Info

QUEZON STREET, PAG-ASA DISTRICT, TALAVERA, NUEVA ECIJA, 3114
www.talavera.gov.ph
(044) 940 – 8700

Emergency Hotline

Copyright © 2015. Municipality of Talavera, Province of Nueva Ecija. All rights reserved.
Official Website Talavera Municipality