
Solemnity of the Immaculate Conception
Ang Pamahalaang Bayan ng Talavera ay nakikiisa sa paggunita ng Feast of the Immaculate Conception of Mary ngayong ika-8 ng Disyembre. Ating gugulin ang araw na ito sa pamamagitan ng sama-samang pagdarasal at pagninilay para sa kaligtasan, kapakanan, kapayapaan, at kalusugan ng ating sarili, pamilya, mga kaibigan, at mga mahal sa buhay.