Skip to main content

SPES Checks Distribution (December 04, 2023)

Sa pamamagitan ng Special Program for the Employment of Students (SPES), 120 na mga mag-aaral sa Bayan ng Talavera ang tumanggap ng kaukulang sweldo matapos silang nabigyan ng pagkakataong pansamantalang makapagtrabaho sa loob ng 20 araw para matiyak ang pagpapatuloy ng kanilang pag-aaral.
Ang 40% ng pondo para sa salary na tinanggap ng mga estudyanteng benepisyaryo ay nagmula sa DOLE at ang naunang naipamahagi na 60% ng pondo naman ay nagmula sa Lokal na Pamahalaan ng Talavera.
Dumalo sa programa sina Mayor JR Santos at Vice Mayor Nerivi S. Martinez kasama sina Labor and Employment Officer III Etrella Dionisio De Lara, Konsehal Rai Rai Villanueva, Konsehal Joel Del Rosario, SK Federation President Amir Ayson, Brgy. Dimasalang Norte Kapitan Virgilio Tayao at OIC PESO Manager Kevin Y. Tolentino.
#MayorJRSantos #SerbisyongDiretsoSaTao
#JRVi

« of 2 »

Official Website Talavera Municipality