Talavera Bakery ng Bayan
Ibabalita ko din po na ang Talavera ay magtatayo ng Bakery ng Bayan sa harap ng ating simbahan ( kalahati ng botika ng bayan ). Dito ay magkakaroon ng masustansiyang tinapay o Nutribun na ipapamahagi sa ating mga estudyante.
Atin ding ie employ ang mga PWD ( person with disability ) scholars upang sila ay magkaroon ng trabaho.