Talavera Central School SPED Thanksgiving Day
Dumalo at nakisaya si Mayor Nerivi S. Martinez kasama sina Konsehal Rai Rai Villanueva, Konsehal Nel Rayo, Konsehal Loren Balmater, Konsehal Joel Del Rosario at Liga ng mga Kagawad ng Barangay President Konsehal Rafael “Ape” Reyes sa ginanap na Thanksgiving Day ng ating mga SPED student. Mas lalong ikinatuwa ng mga bata nang magmistulang Santa Claus si Mayor Vi na nagpamahagi ng mga regalo kasama ang mga Sangguniang Bayan Members.