Skip to main content

Talavera PESO – TUPAD Orientation | September 13, 2023

Bilang bahagi ng “Serbisyo Diretso sa Tao Program” ni Mayor JR Santos at Vice Mayor Nerivi Santos Martinez , may kabuuang 261 na benepisyaryo mula sa iba’t ibang barangay ng Talavera ang dumalo sa isinagawang Orientation ng TUPAD program. Katuwang ng Pamahalaang Bayan ng Talavera ang Department of Labor and Employment (DOLE) at Sen. JV Ejercito sa nasabing programa.
Ang bawat benepisyaryo ay nakatakdang tumanggap ng 4,600 piso bawat isa katumbas ng kanilang sampung (10) araw na pagtatrabaho.
Layunin ng TUPAD program na makapagbigay ng suporta sa ating mga kababayan na naapektuhan ang hanapbuhay dahil sa pandemya.
September 13, 2023
#MayorJRSantos #SerbisyongDiretsoSaTao
#JRVi #SerbisyongPESO

Official Website Talavera Municipality