Skip to main content

Talavera PESO – TUPAD Orientation

Bilang bahagi ng “Serbisyo Diretso sa Tao Program” ni Mayor JR Santos at Vice Mayor Nerivi Santos Martinez , may kabuuang 600 na benepisyaryo mula sa iba’t ibang barangay ng Talavera ang dumalo sa isinagawang Orientation and Signing of Contract ng TUPAD program. Katuwang ng Pamahalaang Bayan ng Talavera ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa nasabing programa.
Ang bawat benepisyaryo ay nakatakdang tumanggap ng 4,600 piso bawat isa katumbas ng kanilang sampung (10) araw na pagtatrabaho. Layunin ng TUPAD program na makapagbigay ng suporta sa ating mga kababayan na naapektuhan ang hanapbuhay dahil sa pandemya. March 7, 2023
#JRVI
#lingapatmalasakit
#serbisyodiretsosatao
« of 2 »
Official Website Talavera Municipality