Talavera South Central School Gift Giving


Bilang bahagi ng programang pang-edukasyon ng Pamahalaang Bayan ng Talavera, 500 na mag-aaral sa Talavera South Central School ang nabigyan ng school supplies. Ang Gift Giving Project na ito ay paraan ng pamahalaan upang matugunan at mabigyan ng suporta ang pangangailangan ng mga mag-aaral sa paaralan.
Pinangunahan nina Mayor Nerivi Santos-Martinez at LnB Pres. JR Santos ang pamamahagi ng supplies kasama sina Konsehal Nel Rayo, Konsehal Lito Silva , Konsehal Joel Del Rosario, SK Pres. Ericka Mendoza, LnB Vice Pres. Kapitan Erwin Chioco at SAMAKABA Pres. Konsehal Rafael “Ape” Reyes.
Bilang kinatawan ng paaralan, kasamang nakiisa sina Talavera South District Supervisor Apollo Lactao at Talavera South Central School Principal Teresita Cuaresma.
#NSM
#LingapJRSANTOS
#GiftGiving

« of 2 »

#Serbisyong
DiretsoSaTao

Contact Info

QUEZON STREET, PAG-ASA DISTRICT, TALAVERA, NUEVA ECIJA, 3114
www.talavera.gov.ph
(044) 940 – 8700

Emergency Hotline

Copyright © 2015. Municipality of Talavera, Province of Nueva Ecija. All rights reserved.
Official Website Talavera Municipality