
Talavera Tourism – Bumisita ang mga Pilgrims
Maligayang pagdating po sa Bayan ng Talavera!
Ngayong araw ay masayang bumisita ang mga Pilgrims ng St. Michael Archangel Parish Bacoor, Cavite, La Union, at Villasis Pangasinan dito sa ating Dambanang Parokya ni San Isidro Labrador. Mayroong bilang na 7 buses at 1 na naka private van ang dumating na binubuo ng halos 350 na katao.
Tampok din ang pagbibigay ng Punla ni San Isidro sa mga manlalakbay, na kung saan ang ating Simbahan ang kauna-unahang gumawa ng ganito. Ang mga tinanggap ng mga peregrinos na mga PUNLA NI SAN ISIDRO ay kanilang itatanim na ang mga magiging bunga naman ay tatawaging ANI NI SAN ISIDRO na ipamimigay sa mga pinaka nangangailangan sa kanilang komunidad.
Layon ng paghahandog ng mga Punla ni San Isidro at ng pagbibigay ng mga ani niyon sa mga nangangailangan na makapagpalaganap ng kultura ng pagbibigay sa kapwa na isa sa mga natataning karakter ng patrong pintakasi na si San Isidro Labrador.
Sinalubong din sila ng mga produktong gawa sa bayan ng Talavera na pwede nilang ipang pasalubong o souvenir mula sa ating bayan.
Maraming salamat po sa ating simbahan sa kanilang maagang koordinasyon sa pamahalaang bayan para sa mas maayos at magandang pagtanggap sa mga pilgrims. Maraming salamat po sa ating mga traffic enforcer at GSO sa maayos na paradahan ng pilgrims’ buses at daloy ng trapiko.
March 25, 2023
#LentenSeason2023
#FaithTourism
#talaveralocalproducts