Skip to main content

Talavera Tourism – Lenten Season 2023

Maligayang pagdating po sa Bayan ng Talavera!
Ngayong araw ang mga manlalakbay ng Katedral ng Mahal na Birhen del Pilar Imus, Cavite ay bumisita sa Dambanang Parokya ni San Isidro Labrador. Tampok din ang pagbibigay ng Punla ni San Isidro sa mga manlalakbay, na kung saan ang ating Simbahan ang kauna-unahang gumawa ng ganito. Ang layunin nito ay maipalaganap ang kultura ng pagbibigay.
Mayroong 7 buses at 4 private vans ang dumating na binubuo ng halos 400 na katao.
Ibinida din ang mga iba’t-ibang locally made products sa bayan ng Talavera na pwedeng ipang pasalubong o souvenirs ng mga manlalakbay.
Maraming salamat po sa ating simbahan sa kanilang maagang koordinasyon sa pamahalaang bayan para sa mas maayos at magandang pagtanggap sa mga pilgrims. Maraming salamat po sa Talavera PNP, sa ating mga traffic enforcer at GSO sa maayos na paradahan ng pilgrims buses at daloy ng trapiko.
March 20, 2023
#LentenSeason2023
#FaithTourism
#TalaveraLocalProducts
Official Website Talavera Municipality