TCS – Certified Regional Level 3 Accredited

Congratulations, Talavera Central School!
Sila ay isa sa dalawang elementarya na nasa munisipalidad sa lalawigan ng Nueva Ecija na nakasama bilang Regional Accredited Level 3 Schools Elementary Level sa isinagawang 2nd Regional School-Based Management (SBM) Congress ng Department of Education.
Sa pangunguna ng kanilang principal na si Ma’am Lourdes D. Fraile, kasama ang teaching force ng Talavera Central School at ng SBM Team na binubuo ng mga guro, idinepensa nila ang mga kinakailangang dokumento sa Region at sumailalim sa kayayaring validation na nakasentro sa apat na categories kabilang ang Leadership, Curriculum, Networking Managementand Resources, at Partnership.
Layon nitong maipakita ang magagandang practices ng bawat paaralan sa Region 3 na may malaking bahagi sa pagkatuto at pag-aaral ng bawat estudyante.
Ang Pamahalaang Bayan ng Talavera, sa pamumuno ni Mayor Nerivi Santos Martinez ay nagbibigay-pugay at kinikilala ang pagsisikap ng magagaling na guro at paaralan sa pag bibigay ng dekalidad na edukasyon para sa lahat.
Muli, congratulations at mabuhay!

 

#Serbisyong
DiretsoSaTao

Contact Info

QUEZON STREET, PAG-ASA DISTRICT, TALAVERA, NUEVA ECIJA, 3114
www.talavera.gov.ph
(044) 940 – 8700

Emergency Hotline

Copyright © 2015. Municipality of Talavera, Province of Nueva Ecija. All rights reserved.
Official Website Talavera Municipality