Skip to main content

Thanks Giving Lunch with PNP and Hepe ng Tanod

Isang masaganang boodle fight ang pinagsalu-saluhan ng mga Hepe ng Barangay Tanod at Talavera Police Station handog ni Mayor Nerivi Santos Martinez at LNB Pres. JR Santos. Ito ay bilang pasasalamat sa kanilang serbisyo at pagsisikap upang ang Bayan ng Talavera ay makapagdaos ng isang maayos, payapa, at ligtas na halalan na ginanap nitong nakaraang Mayo.
Para sa mas mabilis na komunikasyon sa barangay, handog sa lahat ng Hepe ng Tanod ang tigi-isang mobile phone na maaari nilang magamit sa kanilang mga trabaho.
Nakisaya sa pananghalian sina Mayor Nerivi Santos Martinez, LNB Pres. JR Santos, Kon. Rai Rai Villanueva, Kon. Nel Rayo, Kon. Lito Silva, SAMAKABA Pres. Kon. Rafael “Ape” Reyes, Municipal Admin. Nerito L. Santos, PD Col. Jess Mendez, at PNP Chief PLTcol. Jakyl Bilibli.
« of 2 »
Official Website Talavera Municipality