Skip to main content

TUPAD Orientation

Bilang bahagi ng “Serbisyo Diretso sa Tao Program” ni Mayor Nerivi Santos-Martinez at si LnB President JR Santos, may kabuuang 289 na benepisyaryo mula sa iba’t ibang barangay ng Talavera ang dumalo sa isinagawang Orientation ng TUPAD program. Katuwang ng Pamahalaang Bayan ng Talavera ang Department of Labor and Employment (DOLE), Sen. Kiko Pangilinan at Sen. Joel Villanueva sa nasabing programa.
Ang bawat benepisyaryo ay nakatakdang tumanggap ng 4,500 piso bawat isa katumbas ng kanilang sampung (10) araw na pagtatrabaho. Layunin ng TUPAD program na makapagbigay ng suporta sa ating mga kababayan na naapektuhan ang hanapbuhay dahil sa pandemya. June 17,2022.

 

Official Website Talavera Municipality