Skip to main content

TUPAD Pay-Out

253 nating mga kababayan na pawang mga manggagawang nawalan ng trabaho at naapektuhan ang kabuhayan dahil sa pandemya ang naging benepisyaryo ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) Program.
Katuwang ng Pamahalaang Bayan ng Talavera ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa programang ito sa pangunguna ni DOLE Sec. Sivestre Bello III at sa inisyatibo nina Sen. Risa Hontiveros at Sen. Joel Villanueva na may layuning makapagbigay ng suporta sa ating mga kababayan.
Dumalo sa programa si Mayor Nerivi Santos Martinez kasama ang mga kinatawan ng DOLE Nueva Ecija Field Office na sina Mr. Jayjay Carimag at TUPAD Coordinator Ferdinand Panghulan, kinatawan ni Sen. Risa Hontiveros na si Mr. Don Tumaliuan, Konsehal Nel Rayo, Konsehal Lito Silva, Konsehal Joel Del Rosario, Sk President Ericka Arenas Mendoza, SAMAKABA President Ape Reyes at Peso Manager Jose Emana.
#NSM
#LingapJRSANTOS
#TUPAD
#DOLE

« of 2 »

 

Official Website Talavera Municipality