
TUPAD Pay-out (Sen. Francis Tolentino)
Mainit ang naging pagtanggap at pagsalubong ng Bayan ng Talavera kay Senator Francis Tolentino sa pangunguna nina Mayor JR Santos at VM Nerivi Santos-Martinez kasama sina Konsehal Rai Villanueva, Konsehal Joel Del Rosario, Konsehal Ape Reyes, ABC President Roniel Serrano, at SK Federation President Arminmarc “Amir” Ayson ngayong araw ng Biyernes, November 17, 2023.
Bilang bahagi ng “Serbisyong Diretso sa Tao Program” ni Mayor JR Santos at Vice Mayor Nerivi S. Martinez, 474 nating mga kababayan, na pawang mga manggagawang nawalan ng trabaho, ang naging benepisyaryo ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) Program.
Katuwang ng Pamahalaang Bayan ng Talavera ang Department of Labor and Employment (DOLE) at si Sen. Francis Tolentino sa nasabing programa.
Maraming salamat po sa paghahatid ng tulong at serbisyo sa ating mga kababayan!
#SerbisyongDiretsoSaTao
#MayorJRSantos
#JRVi